Wedding Dance
by Amador Daguio
Script translated by MsFutureEd
Introduction
Ang bansang pilipinas
Mayaman at saganang likas
Kultura at tradesyon ang mamamalas
Nagmula pa sa mga ninunong nagsipag wakas.
Isa sa paniniwalang ito
Kahit ngayon ay mamamalas niyo
Ngayong hapong ito, inyong tunghayan
Ang isang kasaysayang pag-iibigan
Na hindi man pinalad magpatuloy
Ngunit ang pag-ibig sa mga puso’y nananaghoy.
Scene I
Awiyao:
Ako’y mapalad sapagkat aking kabiyak ang pinakamahusay na mananayaw ng tribu.
Hindi na ako makapaghintay pa na bumuo ng pamilya kasama ka, aking asawa.
Lumnay:
Gayon din ako, aking mahal. Hindi matutumbasan ng ginto, ng lupain, at ani ang
ating pag-ibig. Pag-sisilbihan kita, aalagaan, ibibigay ko sa iyo ang pamilyang
pinapangarap mo.
Awiyao:
Dito, dito ko itatayo an gating bahay. Payak man ito pero pupunuin natin ito ng
pag-ibig at magandang alaala. At doon, nakikita mo ba ang malawak na lupain na
yon? Pupunuin ko ito ng mga tanim. Hindi ko hahayaan na magutom ka. Hindi ko
hahayaan na magutom ang ating mga supling.
Lumnay:
Magiging saksi ang araw at mga bituin sa ating pag-ibig- pag-ibig na
kasinglakas ng agos ng ilog, sing puro ng tubig sa bukal, sing tatag ng
tradisyon ng ating tribu…
Scene II (Tribu)
Pitong
taon!
Pitong
taon na ang lumipas!
Pitong
taon na ang lumipas matapos mag-isang
dibdib sina Lumnay at Awiyao.
Subalit
wala! Wala!
Subalit
hindi! Subalit hindi nagbunga ang kanilang pag-ibig.
Hindi
namukadkad ang mga talulot.
Hindi
nahukay ang mga ugat.
Hindi
namunga ang mga punong kahoy.
Subalit
wala. Walang buhay na nabuo, sa pitong taong pag-ibig.
Scene III (Panalangin ni Lumnay)
Lumnay:
(Nakaluhod at nagdadasal)
Kabunyan,
dinggin mo ang aking matagal nang panalangin. Buong puso ko itong isinasamo sa
iyo. Nawa’y pagbigyan ang hiling ko. Ginawa ko ang lahat upang ako’y maging
karapat-dapat. Upang hindi ako magkulang bilang asawa, subalit may nais ang
aking kabiyak na hindi ko mapunan.
Kailangan
ko ang maging ina. Biyayaan mo ang aming pagsasama ng anak, na magpapatuloy sa
aming nasimulan. Tanggapin mo ang mga prutas na ito bilang handog upang dinggin
mo ang aking panalangin.
Scene IV (Ang tradisyon)
Awiyao:
Lumnay, aking asawa, narito ang matandang pinuno ng ating tribu. Nais tayong
makausap.
Pinuno:
Ikinalulungkot ko ang sinapit ng inyong pagsasama. Sampung taon na ang lumipas
at hindi nagbunga ang inyong pag-ibig. Hindi lingid sa inyong kaalaman ang
tradisyon ng ating tribu na matagal na pinangalagaan ng ating mga ninuno.
Dangal, kayamanan at tungkulin ng lalaki ang magkaroon ng anak. Kung hindi man
ito maibibigay sa unang asawa, ay kailangan niyang humanap ng kabiyak na
tutulong sa kanya na gampanan ang tungkuling ito – tungkulin sa ating tribu,
tungkulin sa ating tradisyon. Kaya isinama ko si Madulimay.
Madulimay:
Narito ako upang ika’y paglingkuran, mga pagkukulang aking pupunan.
Awiyao:
Hindi ko kayang iwan ang aking mahal na asawa.
SC#1:
Ngunit ayon sa tradisyon na ating kinagisnan, kailangan mong makasal sa iba
upang magkaroon ng tagapagmana.
Pinuno:
Kaya’t si Madulimay ang aming napili upang ika’y tulongan at gampanan ang
tungkuling ito. Sa gabing ito gaganapin ang inyong pag-iisang dibdib ni
Madulimay.
Awiyao:
Pinuno, hayaan niyo muna kaming makapag-usap ng aking asawa.
SC#2:
Ipagpaumanhin mo Lumnay, ngunit ito lamang ang nararapat gawin upang si Awiyao
ay magkaroon ng anak.
Pinuno:
Kung gayon kami ay aalis na upang kayo ay makapagsarilinan. At ika’y maghanda
na sa gaganaping kasal niyo ni Madulimay.
Scene V (Pag-iisang dibdib ni Awiyao at Madulimay)
Awiyao:
Ikinalulungkot ko na kailangan ‘tong mangyari.
Patawarin mo ako. Ngunit, wala na tayong magagawa.
Bakit hindi ka lumabas? At sumali sa sayawan ng
mga kababaihan? Dapat kang sumali sa kanila, na – na parang walang nangyari. Kung hindi mo talaga ako kinasusuklaman sa hiwalayang ito, sumali ka at sumayaw sa labas. Malay mo, makahanap ka ng lalaking para sayo.
Lumnay:
Hindi ko gusto ng ibang lalaki, hindi ko nais ang kahit sino pang ibang lalaki.
Awiyao:
Batid mo rin naman na ayoko rin ng kahit sino mang babae. Alam mo yan hindi ba?
Lumnay:
Oo, batid ko iyon.
Awiyao:
Wala akong pagkakamali, hindi mo ako masisisi, naging mabuting asawa ako sa’yo.
Lumnay:
Hindi mo rin ako masisisi.
Awiyao:
Naging mabuti ka sakin. Naging mabuti kang asawa. Wala na akong masasabi sa’yo.
Kailangan lang talaga ng lalaki na magkaroon ng anak. Ang pitong gapasan ay
sadyang napakatagal para hintayin.
Oo,
ang tagal-tagal nga nating naghintay. Kailangan pa natin ng isa pang
pagkakataon bago pa mahuli ang lahat sa ating dalawa.
Lumnay:
Alam mong ginawa ko ang lahat! Taimtim akong nagdasal kay kabunyan, nag-alay ng
napakaraming manok sa aking pagsamo.
Awiyao:
Oo, alam ko yun.
Lumnay:
Naalala mo ba? Kung paano ka nagalit noong kinatay ko ang isa sa mga baboy ng
walang paalam? Ginawa ko iyon para malugod si kabunyan!
Dahil
sa mahal kita!
Dahil
sa gusto kong magkaanak!
Dahil
gusto kitang bigyan ng anak!
Pero
anong magagawa ko!
Awiyao:
Hindi tayo nakatadhanang biyayaan ng anak ni kabunyan.
Pumunta ako rito upang sabihin sayo na ikasal
man ako kay Madulimay, ay wala ng makahihigit pa sayo Lumnay, hindi siya kasing
galing mo, mahina siya sa pagtatanim ng mga buto, mabagal siya sa paghuhugas ng
mga banga, at hindi siya gaano magaling sa paglilinis ng bahay, hindi gaya mong
magaling sa lahat ng bagay, isa ka sa pinakamahusay na asawa dito sa ating
nayon.
Lumnay:
Ngunit hindi sapat ang pagiging asawa lang, kahit ako man ang pinaka mahusay.
Hindi ito sapat kailangan kong manging ina. At hindi ko kayang ibigay iyon
sayo.
Awiyao:
At sana’y ito’y iyong maunawaan, Lumnay, itong bahay na ito ay sa iyo na, itinayo
ko ito para sa iyo, kaya pagmamayari muna ito, manirahan ka dito hangga’t gusto
mo. Igagawa ko na lang bahay si Madulimay.
Lumnay:
Hindi ko kailangan ng bahay.
Awiyao:
Ibibigay ko sa iyo ang aking bukid na hinukay mula bundok nong unang taon ng
ating pagsasama. “Alam mong ginawa ko iyon para sa’yo. Tinulungan mo akong gawin
iyon para sa ating dalawa.
Lumnay:
Wala akong paggagamitan sa ating bukid.
Lumnay:
Bumalik kana sa sayaw, hindi tama ang pagpunta mo rito, magtataka sila kung na
saan ka at baka sumama ang loob ni Madulimay sa iyo. Kaya bumalik kana.
Awiyao:
Mas gagaan ang aking pakiramdam kung ikaw ay dadalo at sasayaw sa huling
pagkakataon.
Lumnay:
alam mo na hindi ko magagawa iyon.
Awiyao:
Lumnay… Lumnay, alam mong ginawa ko ito para magkaroon ng anak at alam mong
walang silbi ang buhay kong wala kang anak. Isa itong kahihiyan para sa akin,
alam mo iyon.
Lumnay:
Alam ko, ipapanalangin ko na biyayaan kayo ni kabunyan.
Lumnay:
Awiyao, Awiyao, aking asawa. Ginawa ko ang lahat para magkaanak. Tumingin ka sa
akin! Tumingin ka sa aking katawan, ito’y puno ng pangako. Kaya kung sumayaw,
kaya kong magtrabaho ng mabilis sa bukirin, kaya kong umakyat sa bundok ng
mabilis. Ikamamatay ko ang Makita kang may kasamang iba.
Awiyao:
Hindi mo iyon gagawin. Hindi ka mamamatay.
Lumnay:
Wala akong pakialam sa mga bukirin, hindi ko kailangan ng bahay, wala na akong
kailang kundi ikaw, ikaw Awiyao, wala ng iba.
Awiyao:
Maging ako ay walang ninanais pang iba.
Kundi ikaw lamang aking sinta, pero wala tayong magagawa sapagkat ito ang pasya
ng lahat.
Lumnay:
Babalik ako sa aking ama, mamamatay ako.
Awiyao:
Pakatapos ay ano? Ako’y iyong kamumuhian? Lumnay, aking iniirog, isipin mo ang
panahong lumipas, na tayong dalawa ang bumagtas, nawa’y ito’y maging
insperasyon para buhay mo’y magpatuloy.
Kung
hindi ko susubukan sa pangalawang pagkakataon, nangangahulugang ito na
mamamatay ako. Walang magmamana ng aking mga bukirin na aking inukit mula sa
mga bundok, walang sino mang susunod sa akin.
Lumnay:
Kung, kung mabigo ka sa pangalawang pagkakataon. Ako’y balikan, ika’y bukas
palad kong tatanggapin.
Awiyao:
Kung mabigo man ako, babalik ako sa
iyo, sabay tayong mamamatay, sabay nating
lisanin ang mundo.
Lumnay:
Ang aking kwentas, Awiyao, hayaan mo
akong itago ang aking kwentas.
Awiyao:
Itatago mo ang kwentas, matagal na
panahong nagdaan, sabi ng aking lola iyon ay galing pa sa hilaga mula sa mga
taong nakatira sa ibayong dagat. Itago
mo ang kwentas Lumnay.
Lumnay:
Itatago ko ang kwentas, sapagkat ito ay
simbolo ng iyong pagmamahal sa akin. Mahal kita, mahal kita at wala na akong
maibibigay pa.
SC#3:
Awiyao! Awiyao! O Awiyao, hinahanap ka na
nila sa sayaw.
Awiyao:
Hindi ako nagmamadali.
SC#3:
Ang mga matatanda ay magagalit sayo,
kaya’t mabuti pa’y pumunta kana.
Awiyao:
Hindi ako aalis hangga’t hindi mo
sinasabi sa aking magiging maayos ka sa aking paglisan.
Lumnay:
Paalam, Awiyao.
Awiyao:
Paalam
Lumnay:
Awiyao!
No comments:
Post a Comment